Miyerkules, Marso 2, 2016

Kasaysayan

Cebu, o maaaring tawaging Sugbo, ay isang maunlad na panirahan bago pa dumating ang mga Kastila. May mga negosyante na nakikipagkalakal nagaling sa Tsina at iba pang bansa sa ng timog-silangang Asya.
Noong ika 7 ng Abril, 1521, isang Portuguese na si Ferdinand Magellan at mga kasamang Kastila ay dumating sa Cebu. Sinalubong ito ni Rajah Humabon. Ang rajah at kanyang asawa at kasama ang mga 800 katutubo, ay bininyagan ng mga Kastila noong ika 14 ng Abril, 1521. Sila ay maituturing pangunahing Katoliko na Pilipino. Binago ni Magellan ang relihiyon ng mga katutubo ngunit nabigo siya sakupin ang bansa dahil sa resistensiya ng mga katutubo ng Mactan sa pamumuno ni Lapu Lapu noong ika 27 ng Abril, 1521.
Noong ika 27 ng Abril, 1565, Si Miguel López de Legazpi kasama si Augustinong Prayle Andrés de Urdaneta, ay dumating sa Cebu. Binago ni Legazpi ang dating pangalan ng lungsod, San Miguel ng Villa del Santissimo Nombre de Jesus noong ika 1 ng Enero, 1571,. Ang lungsod ay ginawang kabisera ng bagong koloniya ng Espanya sa loob ng anim na taon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento